^

Bansa

Housing backlog apektado sa Binay vs Roxas?

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May halo umanong pulitika ang hindi pag­lalaan ng gobyerno ng pondo para sa housing backlog sa mga probinsiya para sa taong 2014.

Sa budget deliberation ng National Housing Authority (NHA) sa Senado, tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada kung magkano ang inilaan ng gobyerno sa housing backlog lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Sumagot si Sen. Teofisto Guingona ng: ”For 2013, yes. For 2014, none, Mr. President”.

Ipinahiwatig ni Estrada na may kinalaman ang pulitika sa problema dahil si Vice Pres. Jejomar Binay ang chairman ng NHA pero naglaan umano ang gobyerno ng pondo sa DILG na pinamumunuan naman ni Sec. Mar ­Roxas.

Si Roxas at Binay ay naglaban sa pagka-bise presidente noong nakaraang Presidential Elections.

Ayon pa kay Estrada, humingi ng budget allocation na P21.3 bilyon ang NHA ngayong 2013 pero ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ay P10.9 bilyon lamang.

Nagtataka si Estrada kung bakit bibigyan ang DILG ng P1.24 bilyon pondo para sa housing program ng mga informal settlers gayong ang NHA dapat ang humawak ng nasabing pondo.

“I hope you understand my situation right now. If politics is playing a big role here, imagine giving 1.24 billion pesos to DILG. Bakit nagbibigay ang DBM ng 1.24 billion sa DILG for housing program for informal settlers? Eh function ng NHA ito, hindi naman function ng DILG ito? Just because Vice President Binay and Sec. Mar Roxas are at odds with each other, papaboran yung isa? “ ani Estrada.

 

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

JEJOMAR BINAY

JINGGOY ESTRADA

MAR ROXAS

MR. PRESIDENT

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PRESIDENTIAL ELECTIONS

SI ROXAS

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with