^

Bansa

Wheelchair-bound na OFW dumating sa NAIA

Butch Quejada, Rudy Santos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang mabigong makauwi sa bansa noong unang linggo ng Nobyembre, dumating na rin sa Ninoy Aquino International Airport ang wheelchair-bound na OFW na si Diego Yacub Mag-atas.

Dumating sa bansa si Mag-atas mula sa Jeddah saka ng Etihad Airways Flight No. EY 428. Sinalubong siya ng kanyang anak na si Dennis, pamangkin na si Grace Mag-atas at tiyahing si Seth Santos.

Dadalhin din si Mag-atas  para sumailaim sa isang medical check-up sa Las Piñas General  Hospital kung saan siya sasalubungin ni Senator Cynthia A. Villar. 

Naunang umapela si Villar sa Philippine Consulate sa Jeddah para mapabilis ang repatriation ng 53-anyos na OFW na tinamaan ng kakaibang sakit na naging sanhi upang humina ang kanyang spinal cord.

“Mang Diego badly wants to be with his family. He has not seen them for 30 years. They are also longing to see him come home,” ayon kay Villar.

Binayaran ng Villar Foundation ang plane ticket ni Mag-atas pero tiniyak niyang walang sangkot ditong  “pork barrel.”

Si Mag-atas ay naka­takda sanang umuwi sa bansa kasabay ang may apat pang OFW na tinulu­ngan din ng Villar Foundation para makauwi sa bansa noong Nobyembre 6 pero nabigo dahil sa kawalan ng medical certificate na nagpapatunay na maaari na siyang magbiyahe.

Umapela naman si Villar sa ating diplomatic posts sa Saudi Arabia na maglagay ng OFW as­sistance teams sa international airport sa Saudi Arabia para alalayan at tulungan ang mga umaalis na mga manggagawang Pilipino.

DIEGO YACUB MAG

ETIHAD AIRWAYS FLIGHT NO

GRACE MAG

JEDDAH

LAS PI

MANG DIEGO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SAUDI ARABIA

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with