^

Bansa

Sanggol inilagay sa ref para mabuhay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang masagip ang buhay, isang ama na ka­ bilang sa mga nag-exodus sa Tacloban City sa delubyo ng pananalasa ng bagyong Yolanda ang inilagay sa loob ng refri­gerator ang kaniyang 10-buwang sanggol na lalaki.

Sa ulat na nakara-ting sa AFP-Central Com­mand, si Rolando Primacio, 21 anyos ay kabilang sa mga residente ng Tacloban City na dumating sa Cebu City lulan ng C130 plane, siyam na araw matapos ang insidente.

Base sa salaysay ni Primacio, nang pumasok ang ru­ magasang tubig dagat sa kanilang kubo na natanggalan ng bubong at lumubog sa tubig baha ay nagkahiwalay sila ng kanyang misis na si Riza Tinonas, 19 anyos.

Sa nasabing insi­dente ay minalas na mamatay ang kaniyang biyenang lalaki, lolo at lola ng kaniyang misis nang tangayin ng ‘storm surge’ na rumagasa sa lungsod.

Sa lakas ng agos ng tubig dagat ay inilagay niya sa loob ng isang lumu­lu­tang na refrigerator ang kaniyang sanggol na si Jhon Mar Primacio upang mabuhay at makaligtas sa­kaling magkahiwalay sila.

Laking pasasalamat naman nito ng makalig­tas rin sa insidente ang kaniyang misis na kasama nitong lumapag sa airport ng Cebu City.

Sa kasalukuyan ay nakituloy sa kanilang kamag-anak ang pamil­ya Primacio sa bayan ng Minglanilla, Cebu.

Ayon naman kay AFP Central Command Spokesman Lt. Jim Aris Alagao, patuloy ang kanilang paghahatid ng mga residente na isinasakay sa C130 plane ng Philippine Air Force at  US Air Force sa Cebu na galing sa Leyte at Samar.

AIR FORCE

CEBU

CEBU CITY

CENTRAL COM

CENTRAL COMMAND SPOKESMAN LT

JHON MAR PRIMACIO

JIM ARIS ALAGAO

SHY

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with