^

Bansa

572 naaagnas na bangkay narekober sa Tacloban Bay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang may isang linggong paggalugad sa karagatan ng Tac­loban City ay nakarekober pa ng 572 naaagnas na mga bangkay ang pinagsanib na elemento ng Water Search and Rescue (WASAR) at Water Sanitation (WASAN) team ng Philippine Navy.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Lt. Commander Gerald Gregory Fabic, ang nasabing bilang ay hindi pa kasama sa 1,868 mga nakuhang bangkay na naitala ng Task Force Cadaver na pinamumunuan ni Sr. Supt. Pablito Cordeta na pawang sa lupa at dalampasigan ng lungsod natagpuan.

Patuloy ang paggalugad sa buong lungsod upang mapabilis ang pagrekober sa mga bangkay at madala ang mga ito sa ‘mass grave’ para sa ‘mass burial’ kung wala ng kikilala o kukuhang mga pamilya o kamag-anak.

Nabatid naman kay Phl Navy Commander Gilbert Pacio, Chief ng Public Affairs Tulong Visayas na umaabot na sa mahigit 5,000 residente ng Leyte at Samar na karamihan ay galing Tacloban City ang naihatid ng kanilang mga barko sa Cebu.

Ang iba naman ay sumakay ng C130 plane ng Philippine Air Force at US Air Force patungong Metro Manila na nagsilapag sa Villamor Air Base sa Pasay City at nagsituloy sa itinayong Tent City para sa mga evacuees ni Yolanda.

AIR FORCE

COMMANDER GERALD GREGORY FABIC

METRO MANILA

PABLITO CORDETA

PASAY CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY SPOKESMAN LT

PHL NAVY COMMANDER GILBERT PACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with