Lions Club Int’l magbibigay ng P2M sa Yolanda victims
MANILA, Philippines - Magbibigay din ng ayuda ang Lions Club International Foundation (LCIF) para sa mga biktima ng delubyong dulot ng super typhoon (Haiyan) Yolanda.
Sa pagdating sa bansa nitong Lunes ni LCIF international president Barry Palmer, agad nitong binigyan ng atensiyon ang krisis sa mga sinalanta na nangako na magbibigay ng donasyong aabot sa US$2,000,000 mula sa kanilang organisasyon.
May inisyal na nalikom na aniya sila na US$500,000. Una na rin aniyang nag-release sila ng $30,000 sa pangaÂngasiwa ng fund administrator na si Michael So, na ipinagkaloob ang tulong sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong nakalipas na buwan.
Ang nasabing halaga ay nakuha sa mga LCIF members sa idinaos na forum ng Organization of South East Asean Lions (OSEAL) sa Singapore pa lamang at inaasahang malaki pa ang idaragdag ng halaga dahil 1.35 milÂyon ang miyembro nila mula sa 46,000 clubs sa may 207 bansa sa mundo.
Ayon kay Palmer, prayoridad nila ang pagbibigay ng food, water, shelter, clothing at iba pang may kaugnayan sa kalusugan.
- Latest