^

Bansa

Bagyong ‘Zoraida’ pasok na sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakakabangon ang bansa sa paghagupit ng bagyong Yolanda partikular sa Kabisayaan ay isa na namang bagyo na pinangalanang ‘Zoraida’ ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng  madaling araw.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong ‘Zoraida’ sa layong 830 kilometro timog silangan ng  Hinatuan, Surigao Del Sur  taglay ang lakas ng hanging umaabot  sa 55 kilometro  bawat oras malapit sa gitna at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Bunga nito, ayon sa PAGASA,  nakataas ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Siquijor, Southern Cebu, Bohol, Negros Oriental, Southern Negros Occidental sa Visayas gayundin sa Dinagat Island, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Samal Island, Bukidnon, Misamis Oriental at Camiguin Island sa Mindanao.

Ngayong Martes, si ‘Zoraida’ ay inaasahang nasa layong 160 kilometro silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

 

AGUSAN

CAMIGUIN ISLAND

DAVAO ORIENTAL

DEL

DINAGAT ISLAND

HINATUAN

MISAMIS ORIENTAL

NORTE

SURIGAO

ZORAIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with