^

Bansa

Sa hindi ‘pagkanta’ sa Senado Palasyo dismayado kay Napoles

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadismaya ang Pa­las­yo sa pagkabigong ‘mapakanta’ ang sinasabing utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles matapos itong dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Presidential Communciations Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr., nakakalungkot dahil hindi natugunan ang pagkauhaw ng taumbayan na marinig ang katotohanan matapos dumalo sa pagdinig si Napoles.

Walang ibang isinagot si Napoles sa mga pagtatanong ng mga senador kundi “I invoke my right to self-incrimination’, ‘hindi ko alam’, sasagutin na lamang iyan sa korte.

Wika pa ni Sec. Coloma, nananatili ang kanilang determinasyong malilitis at mapaparusahan ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.

Nananawagan naman sila sa mamamayan na huwag panghinaan ng loob at manatiling vigilant hanggang makamit ang hustisya.

Sa kabila nito, kinikilala naman nila ang cons­titutional rights ng mga humaharap sa pagdinig at kanilang iginagalang ang proseso ng Senado bilang independent institution.

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

JANET LIM-NAPOLES

NADISMAYA

NANANAWAGAN

NAPOLES

PRESIDENTIAL COMMUNCIATIONS OPERATIONS OFFICE SEC

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with