^

Bansa

Seguridad sa pagdalo ni Napoles sa senate hearing handa na Walang atrasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang atrasan ang gagawing pagdalo ng tinaguriang pork barrel queen  na si Janet Lim-Napoles sa senate hearing sa Huwebes.

Ayon kay Senator Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, walang dahilan para hindi sumipot si Napoles sa pagdinig matapos na payagan ng korte.

Sinabi ni Guingona, wala ng makakapigil sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa darating na Huwebes kung saan inaasahang makakaharap ni Napoles ang mga whistleblowers ng scam. Inaasahang magsisimula ang pagdinig ganap na alas-10:00 ng umaga sa plenaryo ng Senado.

Samantala, tiniyak naman ni Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr., na nakahanda ang Senado sa pagbibigay ng seguridad kay Napoles at kanilang hahadlangan ang sinumang magtatangka sa buhay nito sa pagharap sa imbestigasyon ng Senado.

Inamin ni Balajadia na “medyo paranoid” na sila at siniseryoso ang lahat ng mga natatanggap na impormasyon dahil sila ang in-charge sa seguridad ni Napoles pagpasok sa gate ng Senado.

Tumanggi si Balajadia na sabihin kung ano ang magiging ruta ni Napoles pag-alis nito sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at kung anong oras darating sa Senado.

Inihayag pa ni Balajadia na bukas sa publiko ang im­bestigasyon ng Senado pero papairalin ang ‘first come-first serve basis dahil 300 lamang ang puwedeng pumasok sa plenaryo.

 

vuukle comment

ARMS JOSE BALAJADIA JR.

BALAJADIA

BLUE RIBBON COMMITTEE

FORT STO

HUWEBES

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATE SERGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with