^

Bansa

‘Di kami pinalaking corrupt - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Hindi kami pinalaki ng aming mga magulang para matukso sa korapsiyon kundi para mamuhay ng simple.”

Sinabi ito ni Pangulong Aquino sa harap ng Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP) sa Manila Hotel kahapon nang tanungin sa pork barrel scam na nagdawit pati sa Office of the President.

Magugunita na su­mad­sad ang rating ni PNoy dahil naniniwala umano ang mga tao na damay siya sa scam.

Sabi ng Pangulo, isinasabuhay nilang magkakapatid ang turo sa kanila ng kanilang mga magulang na sina yumaong Pangulong Cory Aquino at da­ting Sen. Ninoy Aquino Jr. na mabuhay sa simpleng pamumuhay at labanan ang tukso kaya nakakaya niyang labanan ang mga temptation sa kanyang pagiging chief executive ng bansa.

“The more you are wedded to things, to material nature, various systems, to certain privileges, the less effective you will be in fighting the oppressive structure,” giit ni PNoy. 

Nilinaw din ng Pangulo na naging sentro ng pagbatikos ang Disbursement Acceleration Program (DAP) at pagkakaloob ng mga bonus sa mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) dahil lamang sa ginawang pagsasampa ng plunder cases ng gobyerno laban sa ilang mambabatas at personalidad.

Wika niya na ang DAP, bonus sa mga opisyal ng SSS at ang repormang ginawa sa Bureau of Customs ay umani ng ‘unfair criticism’.

Hinamon pa ni PNoy ang mga mamamahayag sa nasabing forum kahapon na sila na ang mag-‘connect the dots’ upang malaman ang tunay na sanhi ng kritisismo ngayon sa kanyang gobyerno.

“All of these attacks came after plunder cases, among others, that were filed before the Office of the Ombudsman against a few well-known politicians,” wika pa ng Pangulo.

Magugunita na nag­sampa noong Sept 16 ang Department of Justice ng plunder case laban kay Janet Lim-Napoles gayundin sa 3 senador na sina Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada at 2 kongresista na may koneksyon sa P10 bilyong pork barrel scam.

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FOREIGN CORRESPONDENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with