^

Bansa

Resolusyon na magbabasura sa PDAF inihain na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihain na kahapon sa Senado ang resolusyon na naglalayong tuluyan ng ibasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel funds sa pagpasok ng 2014.

Sa Senate Resolution 303 na inihain ni Senator Franklin Drilon sinabi nito na naging malaking isyu ang hindi tamang paggamit ng PDAF na nakalaan sa mga proyektong dapat pondohan ng mga miyembro ng Senado at House of Representatives.

Ito aniya ang naging dahilan upang mabawasan ang tiwala ng mga mamamayan sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi pa ni Drilon sa kanyang resolusyon, upang matiyak sa publiko na seryoso ang gobyerno sa kagustuhan nito na magpatupad ng reporma at magkaroon ng fiscal transparency at accountability ay dapat tuluyan ng i-abolish ang PDAF.

Naniniwala si Drilon na susuportahan ng mayorya ng mga senador ang kanyang resolusyon upang matapos na ang isyu tungkol sa maling paggamit ng PDAF.

 â€œWe will not realign it. With this the national budget will be reduced,” ani Drilon.

DRILON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INIHAIN

NANINIWALA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SA SENATE RESOLUTION

SENADO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with