^

Bansa

Angelika dela Cruz tinangkang saksakin habang nangangampanya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa posibleng kapahamakan ang aktres na si Angelika dela Cruz makaraang maharang ng kanyang mga tagasuporta ang isang lalaki na nagtangkang manaksak sa kanya habang nanga­ngampanya sa lungsod ng Malabon, kamakalawa ng gabi.

Habang naligtas sa kapahamakan si dela Cruz, Maria Lourdes Egger dela Cruz sa totoong buhay, 32-an­yos, kritikal naman ang kundisyon ng suspek na si Pedro Becondado, ng Quirino Street,Tondo, Maynila, makaraang makuyog at masaksak ng taumbayan.

Sa ulat ng Malabon City Police, nasa kasagsagan ng pangangampanya ang grupo ni dela Cruz sa Maya-Maya Street, Brgy. Longos, na tumatakbong Chairwoman dakong alas-6 ng gabi nang pasimple siyang lapitan ng suspek.

Masuwerte na alerto ang mga kasamahan ni dela Cruz at maagap na naharang si Becondado. Dito na kinuyog ng mga tagasuporta ni dela Cruz ang suspek habang inilayo sa lugar ang aktres.

Bukod sa bugbog, nagtamo rin ng isang tama ng saksak sa katawan si Becondado na isinugod naman sa Tondo Medical Center.

Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ang motibo ng tangkang pananaksak ni Becondado kung saan inaalam rin kung tagasuporta ito ng mga kalaban ni dela Cruz sa darating na halalan.

 

vuukle comment

BECONDADO

CRUZ

DELA

MALABON CITY POLICE

MARIA LOURDES EGGER

MAYA-MAYA STREET

PEDRO BECONDADO

QUIRINO STREET

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with