Cayetano kay Napoles: ‘Magsabi ng totoo para makamit ang katahimikan’
MANILA, Philippines - Hiniling ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga religious leaders na kaibigan o nakapaligid kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturing na mastermind sa PrioÂrity Development Assistance Fund (PDAF) scam, na payuhan ang huli na magsabi ng totoo upang makamit ang hinihiling nitong katahimikan.
Tugon ito ni Cayetano sa isang panayam ng mga mamahayag sa kanyang pagpunta sa University of the Philippines, Diliman bilang keynote speaker sa ika-limang “Rippes International Meeting on Social Solidarity Economy†na ginanap sa College of Social Work and Development ng unibersidad, kahapon.
Ayon sa Senador, kung sinasabi anya ni Napoles na naghahanap siya ng katahimikan ng pag-iisip at pagtubos sa kasalanan, kailangang ilabas niya ang lahat ng kanyang nalalaman na katotohanan hinggil sa isyu.
Sabi pa ng Senador, hindi anya makakahanap ng ganitong mga bagay si Napoles, maging ang kanyang pamilya hanggang nananatiling tikom ang kanyang bibig na ibunyag ang lahat niyang nalalaman.
Giit pa ng mambabatas, magagawa umano ni Napoles na mamaniobra ang batas, mamaniobra ang politika, at siraan ang taong gusto niyang siraan pero hindi niya makukuha ang kapayapaan at katahimikang hinahangad hanggang naroon pa rin ang mga sangkot sa nasabing anomalya.
Sabi pa nito, mangyayari lamang anya ang ganitong pagkakataon, sa sandaling magpunta siya sa Senado para sa imbestigasyon.
Naniniwala din ang mambabatas na pagbibigyan sila ng korte na iharap sa Senado si Napoles sa sandaÂling ipatawag o kailanganin nang iharap ito sa bayan para magpaliwanag tungkol sa isyu.
- Latest