^

Bansa

MWSS board pinasisibak sa milyong pisong bonus

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasisibak kay Pangulong Aquino ang mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System na tumanggap umano ng milyun-milyong pisong bonus at allowances sa kabila ng ‘di magandang financial performance ng ahensya.

Ayon kay Coalition of Filipino Consumer (CFC) convenor Jason Luna, mayroong malakas na ebidensya laban sa pagpapahintulot ng pagbibigay ng milyun-milyong pisong allowances sa mga miyembro ng MWSS board.

Ayon kay Luna, nakatanggap sila ng mga dokumento mula sa Governance Commission for GOCCs sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na ipinahintulot ang pagbigay ng milyun-milyong pisong allowances sa apat na miyembro ng MWSS board. Maging si MWSS Labor Association (MLA) vice president Nap Quinones ay nagulat sa laki ng bonus na tinanggap ng MWSS board sa kabila ng diumanoy pagkalugi ng ahensya.

Sang-ayon sa mga dokumento, mahigit 1.74 mil­yong piso mula sa pera ng taumbayan ang nagastos umano upang bigyan lamang ng productivity bonus ang mga miyembro ng MWSS Board.

Nakatanggap diumano ng P388,800 si MWSS board chairman Ramon Alikpala, at P345,600 naman para kay Gerardo Esquivel. Tig-kalahating milyong piso naman daw ang naibigay kina MWSS administrator Emmanuel Caparas gayundin sa kanyang katuwang, Vince Pepito Yambao.

Kinuha diumano ang nasabing pondo mula sa corporate funds ng MWSS. 

Pinuna din ng grupo ang diumano’y di patas na pagtrato ng MWSS board sa mga rank-and-file na patuloy na ginigipit matapos magsampa ng kasong katiwalian sa Ombudsman ang MWSS Labor Association.

Ginigipit diumano ang mga lider unyon upang mapwersa ang mga itong huwag nang ipagpatuloy ang kanilang naisampang kaso.

Nagsampa ang unyon ng mahigit 11 kaso ng katiwalian laban kay Esquivel matapos nitong magbigay ng mahigit 88 milyong piso sa mga diumano’y ghost consultants.

vuukle comment

AYON

COALITION OF FILIPINO CONSUMER

EMMANUEL CAPARAS

GERARDO ESQUIVEL

GOVERNANCE COMMISSION

JASON LUNA

LABOR ASSOCIATION

MWSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with