Megan Young at Mutya Datul pinarangalan ng Senado
MANILA, Philippines - Pinarangalan kahapon ng Senado sina Megan Lynne Young, ang nanalong Miss World 2013 at si Mutya Johanna Fontiveros Datul, ang nanalong Miss Supranational 2013.
Pinagtibay ng Senado ang iba’t ibang resolusÂyon na inihain nina Senators Manuel “Lito†Lapid, Joseph Victor Ejercito, Grace Poe, Francis “Chiz†Escudero, Cynthia Villar at Jose Jinggoy Ejercito Estrada na nagbibigay ng parangal sa dalawa.
Ayon kay Poe, ito ang unang pagkakataon na nakuha ng bansa ang titulong napanalunan ni Young.
Maituturing aniyang isang bagong era sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagkakapanalo ni Young.
“Megan’s victory marks a new era in history as the first Filipina to win the coveted title in the pageant’s 62 year history and since the Philippines’ debut in the pageant in 1966,†sabi ni Poe.
Ang Miss World, ang pinakamatandang international beauty pageant na itinayo noong 1951.
Sinabi naman ni Lapid na malaking karangalan sa bansa ang iniuwi ni Young kung saan pinatunayan nito na hindi lamang magaganda ang mga Pinay kundi matalino.
Magkahiwalay na pinarangalan ng Senado sina Young at si Datul.
- Latest