Maraming lansangan naparalisa Evangelical mission ng INC sa Maynila, dinagsa
MANILA, Philippines - Naging mapayapa ang idinaos na Evangelical at medical-dental mission na tinaguriang “Kabayan Ko, Kapatid Ko†project ng Iglesia Ni Cristo (INC) na umabot sa milyon ang dumagsang tao sa ilang bahagi ng Maynila, kahapon.
Samantala, matinding trapik naman ang naranasan at hindi kinaya ang inihandang traffic re-routing.
Kabilang sa medical-dental mission sites ang Plaza Del Carmen sa Legarda st. malapit sa San Sebastian College: parking space sa Isetann, Recto Avenue: Plaza Avelino, sa Ramon Magsaysay Boulevard, sa Sampaloc; Philippine Postal Office sa Liwasang Bonifacio, sa Ermita; Quinta Market, sa Quiapo, pawang sa Maynila.
May malalaking live video monitor sa mga nasabing lugar at portalets.
Sinabi ni Manila Police District Director Chief Supt. Isagani F. Genabe Jr., na mula pa alas-3:00 ng madaÂling araw ay nakalatag na ang mga itinalagang 3,000 pulis-Maynila na tumutok sa kaganapan hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kabilang din sa nagbabantay ang Explosives and Ordnance Division (EOD) at K-9 units at mga intelligence operatives.
Samantala, iginiit naman ng pamunuan ng INC na walang bahid-pulitika at hindi ‘show of force’ ang kanilang aktibidad kahapon sa Maynila,
Sa pahayag ni Minister of the Gospel Edwil Zabala, hindi lamang sa Maynila nagsagawa ng ganitong aktibidad dahil may mga nauna na at mga nakatakda pang katulad na event ang kanilang Evangelical mission sa ilalim ng “Kabayan Ko, Kapatid Ko†project ng INC bahagi sa nalalapit na ika-100 anibersaryo ng INC sa Hulyo 27 ng susunod na taon.
Paliwanag ni Zabala, matagal na nilang isinasagawa ang proyektong “Lingap sa Mamamayan†at Abril 2013 pa aniya nang magsimula nila itong ikasa.
Mula aniya nang ilunsad ang aktibidad sa Binondo, Maynila noong Abril, ay 19 nang kahalintulad na events ang kanilang naisagawa.
Aniya, pinakamaraming dumalo noong ganapin ang aktibidad sa Davao City kung saan 2.5 milyon ang nakiisa.
Humingi rin naman ng paumanhin si Zabala sa publiko dahil sa kabila ng suspension ng klase at re-rerouting na ipinatupad sa mga kalsada sa Maynila, ay dumanas pa rin ng matinding trapik at nagmistulang parking lot ang mga kalsada sa Maynila.
Marami rin ang napilitang maglakad dahil naparalisa na ang mga daluyan ng sasakyan.
Nilinaw rin naman ni Zabala na kinailangan nilang gaÂwing Lunes ang event dahil mahigpit na ang kanilang iskedyul at ito na lamang talaga ang pagkakataon para maipaabot sa mga taga-lungsod ang kanilang serbisyong ito.
Aniya, nais din anilang, mapagbigyan ang hiling ng mga nakatira sa lungsod na mabigyan ng libreng tulong.
Hindi rin aniya, nila hiniling ang suspensiyon ng klase kundi kusa ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Oktubre 8 nang umarangkada ang kahalintulad na event sa Parañaque, Oktubre 12 naman sa La Union, Oktubre 19 sa San Francisco, California at Oktubre 26 sa Pangasinan.
- Latest