Amyenda sa Juvenile law pirmado na
MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni PaÂngulong Aquino ang Republic Act 10630 o batas na nag-aamyenda sa Juvenile Justice Law.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mananatili pa rin sa 15 anyos ang edad ng mga exempted sa criminal liability o mga batang hindi maaaring kasuhan ng kriminal.
Ilan sa mga amyenda ang pagtatayo ng Bahay Pag-Asa sa bawat probinsiya at lungsod bilang 24-hour child-caring institution para sa mga batang lumabag sa batas.
Nakasaad na ang mga batang 12-anyos hanggang 15 anyos na sangkot sa krimen tulad ng rape, murder, infanticide, kidnapping, serious illegal detention, o lumabag sa Dangerous Drugs Law ay ituturing na neglected.
Mandatory na ilalagay ang mga batang ito sa Bahay Pag-asa na pangangasiwaan ng local government unit na tatawaging intensive juvenile intervention and support center.
Samantala, pinirmahan din ng Pangulo ang batas na nagpapalakas sa Animal Welfare Act of 1998. Kabilang sa mga itinuturing na paglabag sa batas ang maltreatment, abandonment, neglect at torture sa mga hayop. Ang sinumang lalabag ay makukulong ng 6 buwan hanggang 1 taon at multa na hanggang P100,000.
- Latest