‘Million People March’ dadalhin sa Makati
MANILA, Philippines - Sa Ayala, Makati susunod na dadalhin ng mga organizers ang pangalawang salvo ng “Million People March†kontra sa “Pork Barrel†ng mga mambabatas sa darating na Oktubre 4.
Inaasahan na mas magiging malaki ang pagtitipon kaysa sa naunang bersyon sa Luneta dahil sa pakikipagsanib-puwersa ng mga organizers ng “EDSA Prayer Rallyâ€.
Nagpulong na sina Junep Ocampo at Peachy Bretana kasama ang iba pa para sa ikakasang pagkilos.
Nanawagan naman si Bretaña sa taumbayan na muling makiisa habang hinikayat ang mga empleyado sa mga opisina sa Ayala Business District na bumaba sa kanilang mga pinapasukang gusali at makilahok.
Uumpisahan ang kilos-protesta alas-3 ng hapon ng Biyernes hanggang alas-10 ng gabi.
Itiniyempo umano nila ito sa katapusan ng linggo at sa naturang oras upang makasali ang mga empleyado sa lungsod.
Agosto 26 nang unang isagawa ang Million People March sa Luneta, kasabay ng National Heroes Day at nasundan ng “prayer rally†sa EDSA Shrine kamakailan.
Kilala ang lungsod ng Makati bilang balwarte ni Vice President Jejomar Binay.
- Latest