^

Bansa

Arenas nakiramay sa mga biktima ng Subic landslide

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagparating ng pakikiramay si dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa pamilya ng mga nasawi sa landslide sa Subic, Zambales kasabay ng pa­nawagan sa gobyerno na tingnan ang kapakanan ng iba pang biktima ng nasabing trahedya.

“Nakakalungkot ang pangyayaring ito dahil mara­ming buhay ang nasayang bunsod na rin ng nangyaring kalamidad kaya nais kong iparating ang aking pakikiramay sa kanilang mga pamilya,” wika ni Arenas.

Sa huling tala, nasa 31 na ang bilang ng namatay sa insidente na nangyari sa magkahiwalay na barangay sa Subic.

Umapela naman si Arenas ng tulong para sa daan-daan katao na nawalan ng tahanan at pansamantalang naninirahan sa evacuation centers.

Hinikayat ni Arenas na tumugon ang lahat ng may kakayanan, sa gobyerno at pribadong sektor, sa hiling ng mga lokal na opisyal na magpadala ng mga “res­cuers, equipment diggers, inflatable boats at pati na rin relief goods.”

Ang Zambales kung nasaan ang Subic ay karatig-lalawigan ng Pangasinan.

ANG ZAMBALES

DISTRICT REP

HINIKAYAT

NAGPARATING

NAKAKALUNGKOT

PANGASINAN

RACHEL ARENAS

SUBIC

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with