Hit list ng AFP-PNP binatikos
MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) dahil sa pagkakaroon nito ng confidential 235 person hit list para sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National DemoÂcractic Front.
Meron pa anya itong mga reward para sa ikadarakip at pagsugpo sa mga rebeldeng komunista na ginagamit lang umano ng mga opisyal para makuha ang perang gantimpala.
Inihalimbawa ni Colmenares ang Joint Memorandum 2012-14 ng DILG-DND na listahang ginamit sa iligal na pagdakip sa inosenteng guwardiyang si Rolly Panesa na pinagbintangan ng Armed ForÂces of the Philippines na siya umanong mataas na lider ng CPP na si Danilo Benjamin Mendoza na may patong sa ulo na P5.6 milyong reward.
Pero inutos ng Court of Appeals noong Agosto 27, 2013 na palayain si Panesa.
“Ito ang hirap sa list na ito dahil kahit sino na lang eh pwedeng damÂputin at sabihin na siya ang nasa listahan samantalang hindi naman, tulad ng nangyari kay Panesa. Binugbog siya at ikinulong ng ilang buwan sa isang kaso ng mistaken identity, ayon mismo sa CA,†sabi ng senior deputy minority leader.
Pinuna pa ng mambabatas na ayaw umamin ang AFP sa pagkakamali nito at ayaw isoli ang P5.6 milyong nakuha nila.
“Halatang ang listaÂhang ito ay isa lang pinagkakaperahan ng mga opisÂyal ng pulisya at military. Dapat talagang ibasura ang hit list na ito bago may mapahamak pang iba,†sabi pa ng progresibong kongresista.
- Latest