Mga sundalo kinakapos na ng pagkain
MANILA, Philippines - Dumaraing na ng guÂtom dahilan sa kakapusan ng pagkain ang mayorya sa mga sundalong sumasabak sa bakbakan sa Zamboanga City.
Ayon sa ilang mga sunÂdalo na tumangging magpabanggit ng pangalan, kadalasan ay hindi sila nag-aalmusal at masuwerte na kung may pandesal o lugaw silang kinakain dahil kadalasang naantala pa ang paghahatid ng supply.
“Marami naman kaÂming supply ng bala kaya lang medyo kumakalam na ang aming sikmura, hindi pa kasi kami nag-aagahan, heto sumasabak na naman sa bakbakan,†anang isang Army Sgt. na hindi nagpabanggit ng pangalan.
Natutuwa naman ang mga sundalo at maraming mga residente ng barangay Sta. Barbara, Sta. Catalina, Talon-Talon, Rio Hondo at Mampang ang nagbibigay sa kanila ng agahan tulad ng nilagang itlog, lugaw at pandesal. Sa mga nabanggit na lugar nagtatago ang MNLF na may hawak pang mga bihag.
Sa kabila nito, sinabi naman ng mga sundalo na kahit may mga pagkakataong nagugutom sila dahil sa kakapusan ng supply ng pagkain ay handa silang magtiis para sa ikatatamo ng kapayapaan.
- Latest