Ulat Panahon
MANILA, Philippines - Ang Metro Manila, ang rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Silangang Kabisayaan, Mindanao at ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite at Batangas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang nalalaÂbing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang katamtamang hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog-silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang kanluran sa Kabisayaan at Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay banayad hanggang sa katamtaman.
Ang araw ay sisikat 5:44 ng umaga at lulubog 6:00 ng gabi
- Latest