MANILA, Philippines - May 9 na Pinoy ang umano’y kabilang sa libu-libong dayuhan na inaresto sa kasagsagan ng isinasagawang crackdown laban sa mga undocumented foreigners sa Malaysia.
Sa report na nakaraÂting sa Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa nasabing bilang ay walo ang nadakip ng Malaysian authorities sa Labuan Federal Territory habang isa ang nahuli sa Sarawak.
Inatasan na ng DFA ang Embahada ng PiliÂpinas sa Kuala Lumpur na tingnan ang sitwasyon ng mga Pinoy na iniulat na dinakip.
Una nang nanawagan si Ambassador Eduardo Malaya sa mga undocumented Pinoy sa Malaysia na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento kabilang na ang kanilang employment reÂcord upang makaiwas sa anumang pag-aresto at laging dalhin ang kaÂnilang identification docuÂments na kanilang maÂipapakita sakaling maka-engkuentro ng pagsaÂlakay o pagsita ng mga immigration officers.
Nagsimula ang crackdown ng Malaysian autho rities laban sa mga illegal foreign nationals noong Setyembre 1.
Nakipagpulong na si Malaya kay Malaysian Minister for Home Affairs Dato’ Sri Ahmad Hamidi at hiniling na bigyan ng magandang pagtrato ang mga Pinoy na maaapektuhan sa crackdown na kampanya ng Malaysia laban sa iilegal immigrants.