^

Bansa

Pagsuspindi sa SK polls pinag-aaralan ng Kamara

Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ikinukunsidera ng liderato ng Kamara ang mungkahi ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na suspendihin ang Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre 8.

Ayon kay House Ma­jority leader at Mandaluyong­ Rep. Neptali Gonzales II, kukunsultahin muna nila ang mga opisyal ng Kamara kaugnay sa naturang panukala upang masiguro na kasado na ang lahat ng kinakailangang reporma bago idaos ang SK election.

Sa ginanap na pulong sa Kamara ay imunungkahi umano ni Brillantes sa mga lider ng Kamara ang “indefinite suspension” sa SK election upang mapatunayang kaya na ng pamahalaan na patakbuhin ang barangay para unti-unti nang mabuwag ang SK at kalaunan ay isama na lang sa barangay council ang mga SK chairman.

Bagamat hindi iti­nanggi o kinumpirma ang nasabing panukala ni Brillantes, sinabi naman ni Gonzales na magagawa pang kumilos ng Kamara upang ipagpaliban ang SK election lalo na kung sesertipikan itong urgent ni Pangulong Aquino.

AYON

BAGAMAT

BRILLANTES

ELECTIONS CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

HOUSE MA

KAMARA

NEPTALI GONZALES

PANGULONG AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with