5 patay kada minuto sa TB
MANILA, Philippines - Lima katao kada minuto ang namamatay sa sakit na tubercolosis. Ito naman ang binigyan-diin ni Department of Health -National Capital Region (DOH-NCR) Director Eduardo Janairo kung saan sinabi nito na walang taong dapat na namamatay sa sakit na TB.
Ayon kay Janairo, ang TB ay maaaring iwasan at nagagamot kaya walang taong dapat masawi dahil sa naturang sakit. Sinabi pa ni Janairo na ang TB ay isang major public health concern dahil 75 Pinoy ang nasasawi rito araw-araw.
Batay naman sa NCR – National Tuberculosis Report of 2012, mayroong 32,638 registered TB cases sa Metro Manila at ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 6,680. Sumunod naman ang Maynila (5,649), Caloocan (3,366), Taguig (2,238), Valenzuela (2,159), Pasig (1,628), Las Piñas City (1,281), Marikina (1,198), Mandaluyong (1,147), Malabon (1,121), Muntinlupa (1,098), Makati (1,095), Navotas (1,095), Parañaque (1,089), Pasay (981), San Juan (326), at Pateros (150).
Sa New Bilibid Prison ay nakapagtala naman umano ng 337 TB cases.
Sinabi ni Janairo na kinaÂkailangan lamang na ang isang taong may sakit na TB ay sumailalim sa regular na treatment at regular na inumin ang kanyang gamot, sa ilalim ng DOTS, upang gumaling. Ang DOTS ay makatutulong din aniya para iwasan ang bagong impeksiyon sa mga bata at matatanda, mapipigilan ang resistance sa anti-TB drugs at cost-effective rin.
Sa ilalim ng programa, ang mga pasyente ay kinakailaÂngang uminom ng apat na uri ng gamot sa loob ng anim na taon upang tuluyang gumaling.
- Latest