VACC pumalag
MANILA, Philippines - Sumugod kahapon ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Makati City Jail at nagsagawa ng prayer rally upang mariing iprotesta ang umano’y special treatment ng pamahalaan kay Janet Lim Napoles na nasangkot sa P10 billion Priority Development Assistant Fund scandal.
Dakong alas-9:00 ng umaga nang magtungo ang mga kasapi ng VACC na may mga bitbit na naglalakihang placard na kung saan may nakasaad na “Mga pulitiko, makunsensiya kayo. Lahat ng sangkot dito ay kailangan ikulong at ibasura ang pork barrelâ€.
Pinangunahan kahapon ni VACC Chairman Dante Jimenez at Boy Evangelista ang kilos protesta sa labas ng Makati City Jail upang harangin ang paglabas at pagpapalipat kay Napoles sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa Laguna.
Mariing kinuwestiyon ng VACC ang Malacañang dahil sa special treatment na ibinibigay kay Napoles samantalang sangkot ito sa maanumalyang PDAF scam.
“Sana huwag naman gawin ito ng pamahalaan natin dapat ito ay sa Makati City Jail na lamang ikulong dahil sa nasabing lungsod ito isinampa ang kaso laban kay Napoles,†ani pa ni Jimenez.
Sinabi pa ng VACC na babantayan nila ang paglilipat kay Napoles at susundan nila hanggang sa Santa Rosa, Laguna na kung saan ito ikukulong.
- Latest