Sindikato nagso-solicit para sa calamity victims
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa publiko laban sa mga taong gumagala at gumagamit ng kaniyang pangalan para mag-solicit ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Maring.
Ayon kay Gazmin, may impormasyong nakaraÂting sa kaniyang tanggapan na bukod sa panghihingi ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo ay nagso-solicit rin umano ang pekeng grupo ng pera para sa fund raising umano ng ahensya.
Modus operandi umano ng mga suspek na tawagan ang ilang mga kilalang personalidad lalo na ang mga negosyante at magpapakilalang mula sila sa tanggapan ng Kalihim.
Sinasabi umano ng mga ito na inutusan sila ni Secretary Gazmin o kaya naman ay ng iba pang opisyal ng Department of National Defense at ihahayag na ang kanilang pakay.
Sakaling makatanggap ng ganitong tawag o impormasyon agad aniyang makipag-ugnayan sa Office of the Secretary ng DND sa 911-1746 upang mahinto na ang naturang illegal na aktibidades.
- Latest