3 dam binuksan
MANILA, Philippines - Tatlong dam sa Luzon ang binuksan kahapon dahil malapit na sa itinakdang spilling levels dulot ng pag-uÂlan sanhi ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong “Maring.â€
Ayon kay Richard Orendain, Hydrologist ng PAGASA, apat na gate ang binuksan sa Ambuklao dam at nagpakawala ng tubig na may sukat na 3.5 meters, habang sa Binga dam ay binuksan din ang apat na gate ng apat na metro. Ang nasabing mga dam ay matatagpuan sa Benguet.
Ang tubig sa Ambuklao at Binga ay umagos paibaba sa San Roque dam sa Pangasinan, na maaring magkaroon ng pag-apaw.
Ang lebel ng tubig sa San Roque dam ay nasa 251.01 meters o mababa sa normal nitong 280.00 meter level.
Sabi pa ni Orendain, isang gate sa Magat dam sa Isabela ang nanatiling nakabukas sa isang metro dahil ang lebel ng tubig nito ay umabot na sa 191.74 meters malapit sa normal na lebel nitong 193 meters.
Samantala, ang water lebel naman sa La Mesa Dam sa Novaliches, Quezon City ay nasa 79.10 meters, o mababa sa spilling level nito na 80.15 meters.
Ang lebel ng tubig sa Pantabangan dam sa Nueva Ecija, Caliraya dam sa Laguna at Angat at Ipo sa Bulacan ay kung hindi mababa ay nasa normal na lebel ang mga ito.
- Latest