‘Big fish’ nasa likod ni Napoles
MANILA, Philippines - Malalaking tao sa pamahalaan ang nasa likod ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa P10-bilyong pork barrel scam.
Ito ang paniwala ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo dahil imposible umanong magawang mag-isa ni Napoles ang pag-angkin sa P10-bilÂyong pork barrel ng mga mambabatas kung wala itong backer at kasabwat sa pamahalaan.
Inihayag ng Obispo na may mas malaki pa o mas makapangyarihan ang nasa likod ng kontrobersiya partikular na ang paglustay sa pondong mula sa Malampaya fund.
Sinabi ni Arigo, ang Malampaya fund ay dapat sanang pinakinabangan ng mga residente ng Palawan at hindi napunta sa bulsa ni Ginang Napoles at mga opisyal na kasabwat sa anomalya.
Iginiit ng Obispo na matagal na nilang ina-adbokasiya na mapakinabaÂngan ng mga taga-Palawan ang kanilang yaman na nauwi lang sa korapsiyon o bulsa ng iilang tao.
Lubos na ikinalulungkot ni Bishop Arigo ang katotohanang P10 bilÂyong pondo na malaki ang maitutulong para itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap ay napupunta lamang sa mga gahaman na kamay.
Dismayado din si Arigo sa kawalan ng resulta sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Malampaya Fund anomaly na siyang itinuturong dahilan ng pagpaslang noon sa radio announcer na si Dr. Gerry Ortega.
- Latest