^

Bansa

Koko nagbanta na puwede ring magsampa ng kaso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos mapaulat ang balak na paghahain ng kaso ng misis ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na si Jewel Lobaton, sinabi kahapon ng senador na may karapatan din siyang maghain ng kaso.

Inihayag ni Pimentel na ang Pilipinas ay isang malayang bansa at maaring maghain ng kaso si Lobaton, pero ipinaalala nito na kahit siya ay may karapatan din.

Ayon pa kay Pimentel, ipagtatanggol niya ang kanyang sarili sa anumang walang basehan akusasyon at harassment charges.

Ayaw na sanang patulan ni Pimentel ang misis na nagpa-interview pa sa media para sa balak na paghahain ng kaso dahil hindi naman umano ito national issue.

Napaulat na balak ni Lobaton  na kasuhan si Pimentel ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Volence Against Women and their Children Act bagaman at nilinaw nito na hindi siya nakaranas ng pang-aabusong pisikal sa senador.

vuukle comment

ANTI-VOLENCE AGAINST WOMEN

AYAW

AYON

CHILDREN ACT

INIHAYAG

JEWEL LOBATON

LOBATON

MATAPOS

NAPAULAT

REPUBLIC ACT

SENATOR AQUILINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with