Greening program ni PNoy suportado
MANILA, Philippines - Patuloy na sinusuportahan ng pamunuan ng Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) ang kampanya ni Pangulong Aquino para sa national greening program (NGP) para mamantine ang mga luntian at indigenous foÂrest tree species sa buong bansa.
Ayon kay MSBFI president Leonardo Ligeralde, ang 7 ektaryang lupa sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue ang nananatiling tanging green spot mula sa kahabaan ng Edsa mula Monumento sa Caloocan City at Baclaran sa Pasay City na nagkakaloob ng mga serbisyong tulad ng seedling production, reforestation, agroforestry, tree farming, composting, charcoal making at tree maintenance.
Kabilang sa tree maintenance ang pruning, tree removal, stump removal, earth balling, transplanting at tree surgery na pinaÂngangasiwaan ni environmentalist Dr. Isidro Esteban, ang forest consultant ng MSBFI’s at tree doctor.
Sa September ipinagdiriwang ng MSBFI ang ika-36 taong anibersaryo nito.
Bilang pagsuporta anya sa NGP ng Pangulong AquiÂno ang MSBFI ay nakikipagtulungan sa DENR para sa pagtatanim ng may 5,750 seedlings ng forest tree species.
- Latest