^

Bansa

Parusa ng Taiwan vs Pinas inalis na!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdiwang ang mga Pinoy matapos na bumalik sa normal ang magandang relasyon ng Pilipinas at Taiwan kasunod ng pag-aalis ng 11 sanctions na ipinataw ng Taiwanese government laban sa bansa kabilang na ang pagbabawal sa mga overseas Filipino workers na tumungo at magtrabaho sa kanilang teritoryo.

Nagpamisa pa kahapon ang mga OFWs sa Taiwan upang ipagpasalamat ang magandang ibinunga ng misyon ni Philippine envoy Amadeo Perez Jr., chairman ng Manila Economic and Culture Office (MECO) na tumungo sa Taiwan bilang sugo ng pamahalaan.

Nagtungo si Perez noong Huwebes sa tirahan ng pamilya ng napaslang na Taiwanese fisherman na si Hung Shih-cheng, 65, sa bayan ng Hsiaoliuchiu upang ihatid ang formal apology ni Pangulong Aquino at sambayanang Pilipino.

Bunsod nito, agad na inianunsyo ng Taiwanese Foreign Affairs Minister David Lin kinagabihan na inaalis na nila ang freeze order sa pagtanggap ng mga OFWs sa kanilang bansa at iba pang sanctions na ipinataw ng Taiwan laban sa Pilipinas matapos ang pormal na paghingi ng paumanhin ng Pilipinas na tinanggap naman ng pamilya ni Hung.

Kabilang sa mga inalis ang “red” travel warning sa mga Taiwaneze citizens na pumipigil sa kanila na tumungo at bumisita sa Pilipinas at ang pagpapatuloy ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ilang buwan ding nag-iringan ang Pilipinas at Taiwan dahil sa pamamaril ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing mangingisda matapos ang kanilang ha­bulan at engkuwentro sa Balintang Channel noong Pebrero 9.

Ang pag-lift sa 11 sanctions ng Taiwan ay bunsod ng rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na sampahan ng kasong homicide ang walong tauhan ng PCG na umano’y responsable sa pamamaslang kay Hung.

Inihayag naman ng Taiwan na plano nilang kasuhan sa kanilang hurisdiksyon ang nasabing mga PCG men bukod sa kaso na ihahain sa Pilipinas.

Gayunman, sinabi ng MECO chairman na tila hindi uubra ang nasabing plano dahil nangyari ang insidente sa Pilipinas at wala pang umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan sakaling ipatawag ang mga akusado.

 

AMADEO PEREZ JR.

BALINTANG CHANNEL

HUNG SHIH

MANILA ECONOMIC AND CULTURE OFFICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

TAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with