Colonel sa Atimonan rubout nawawala
MANILA, Philippines - Nawawala ang isang police colonel na sangkot sa Atimonan rubout na ikinasawi ng 13 katao sa checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 6, 2013.
Kinilala ni PNP-Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ang missing na opisyal na si P/Sr. Supt. Ramon Balauag, daÂting hepe ng Police Intelligence Branch ng Quezon Police Provincial Police Office (PPO).
Ayon kay Sindac, si Balauag ay idineklarang AWOL (Absent Without Official Leave) mula pa nitong Hulyo 8 matapos ilang beses na mabigong mag-report sa kaniyang unit sa Administrative Resource Management Division sa Headquarters Support Service (HSS) sa Camp Crame.
Bunga nito, ipinag-utos ni HSS Director P/Chief Supt. Samuel Yordan na imbestigahan ang pagkawala ni Balauag bilang basehan ng summary dismissal proceedings laban dito.
Sabi ni Sindac, nabigong mahanap si Balauan sa address nito sa Quezon City. Hindi rin nakadalo ang opisyal noong Agosto 5 sa pagdinig ng PNP Internal Affairs Service sa kaso nitong administratibo o grave misconduct.
Si Balauag ay kabilang sa 21 pulis na sangkot sa Atimonan encounter na isinailalim sa restrictive custody noong Enero 23 dahil sa pumalpak na checkpoint na pinamunuan ni Sr. Supt. Hansel Marantan.
- Latest