^

Bansa

‘Plain writing bill’ isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Grace Poe na gawing simple ang komunikasyon sa mga tanggapan ng  gobyerno sa pamamagitan ng “Plain Writing for Public Service Act” na nakapaloob sa kanyang Senate Bill 1092.

Naniniwala si Poe na mas magiging epekto at maiintindihan ng mga mamamayan ang ginagawa ng gobyerno kung simple lamang ang ginagamit na paraan ng pagsulat ng mga dokumento.

“Write plainly for Juan dela Cruz,” pahayag ni Poe.

Sa panukala ni Poe nais nitong magkaroon ng batas na mag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang “plain writing”  sa lahat ng kanilang komunikasyon.

Mahalaga aniyang gawing simple ang lahat at iwasan na ang mga malalalim at nakakalitong salita na hindi rin naman naiintindihan ng mga ordinaryong mamamayan.

“Do away with difficult words and phrases that confuse the public—this is what this bill is all about. We want government to effectively serve millions of ordinary Filipinos who often take time understanding public documents,” pahayag ni Poe, chair ng Senate committee on public information and mass media.

CRUZ

MAHALAGA

NANINIWALA

PLAIN WRITING

POE

PUBLIC SERVICE ACT

SENATE BILL

SENATOR GRACE POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with