^

Bansa

‘Padrino system’ ng BOC iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gustong paimbestigahan ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang napaulat na “padrino system” sa Bureau of Customs (BoC).

Sa Resolution No. 124 na inihain ni Escudero, iginiit nitong siyasatin ng blue ribbon, ways and means, at finance committees ng Senado ang ‘padrino system’ na ibinunyag mismo ng ilang mataas na opisyal ng ahensiya.

May mga kilala uma­nong  pribadong indibiduwal ang nakikialam sa pagpapatakbo ng BOC.

Sinabi ni Escudero na hindi dapat balewalain ang sinasabing ‘padrino system’ dahil naapektuhan nito ang buong ahensiya.

“This political patronage in the bureau’s system is a loud whisper that cannot and should not be ignored anymore. It has acculturated the entire agency, even its own officials already admitted to its existence,” pahayag ni Escudero.

Ipinunto pa ni Escu­dero na mismong si Customs Commissioner Ruffy Biazon ang umamin sa isang panayam na napakahirap buwagin ang ‘padrino system’ dahil nakaugat na ito hindi lamang sa loob kundi maging sa labas ng sistema ng BOC.

Maging si Deputy, Commissioner for Intelligence Danilo Lim ay umamin rin tungkol sa “powerful forces” na nakikialam sa operasyon ng BoC.

“Assuming that not all employees of the BoC are thieves, but the government must weed out all the thieves in the agency, and all those who dip themselves in its coffers, especially from members of Congress if there are,” ani Escudero sa kanyang resolusyon.

BUREAU OF CUSTOMS

CHIZ

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

ESCU

GUSTONG

INTELLIGENCE DANILO LIM

IPINUNTO

SA RESOLUTION NO

SENATOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with