^

Bansa

OFWs pinaalalahanan sa bagahe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Pinoy abroad na magpadala ng kanilang mga bagahe sa mga “cargo forwarders” na akreditado upang matiyak na makakarating ang kanilang mga padala sa mga kaanak sa Pilipinas.

Sa consumer alert ng DTI, nasa 153 reklamo na ang kanilang natatanggap ng hindi pagkaka-deliber ng mga balikbayan boxes buhat sa iba’t ibang panig ng mundo nitong taong 2012.

Mga kumpanya na nakatala lamang sa Philippine Shippers Bureau (PSB) ang maaaring mapagkatiwalaan ng mga OFW sa kanilang mga “balikbayan boxes” dahil ang mga ito ay natitiyak nilang sumusunod sa pamantayan ng pamahalaan, ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Welfare Zenaida Maglaya.

Bukod dito, meron ding “insurance coverage” ang mga kumpanyang nasa ilalim ng PSB sakaling magkaroon ng aksidente o iba pang dahilan para hindi makarating ang padala sa pinatutungkulan nito.

Ayon kay Atty. Victorio Mario Dimagiba, Director-in-Charge ng PSB, hindi naide-deliber ang balikbayan boxes kapag hindi nakapag-remit ang “principal sea fright forwarders” ng bahagi ng nakolekta nilang bayad sa akreditong Philippine agent o lokal na sea fright forwarders. Na­nanatili umano ang mga balikbayan boxes sa Bureau of Customs. Karamihan umano sa mga insidenteng ito ay sangkot ang mga forwarding companies na walang akreditasyon ng PSB.

AYON

BUKOD

BUREAU OF CUSTOMS

CONSUMER WELFARE ZENAIDA MAGLAYA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIRECTOR-IN-CHARGE

PHILIPPINE SHIPPERS BUREAU

VICTORIO MARIO DIMAGIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with