SONA may banta - NCRPO
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng bagong upong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na si Police Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na may natatanggap silang banta sa magaganap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Lunes.
Subalit paglilinaw ni Garbo, ang mga bantang ito anya ay walang kinalaman sa terorismo o grupong kriminal, kundi pawang panggugulo na gagawin umano ng hanay ng mga raliyista.
Sinabi ni Garbo na aabot sa 5,000 pulis ang inisyal na idedeploy sa Batasan Complex na pagdarausan ng SONA at iba pang lugar sa Quezon City na inaasahang daragsain ng mga raliyista.
Sa ulat ni Quezon City Police Director P/Chief Supt. Richard Albano, tinatayang 15,000 hanggang 18,000 raliyista ang bubulaga sa SONA ng punong ehekutibo. Karamihan sa mga daragsang raliyista ay ang mga iskwater na idinemolis ang mga bahay sa mga estero sa Metro Manila.
- Latest