^

Bansa

Akusasyon sa ‘pork’ pinabulaanan: Sen. Bong: ‘Ginigiba Ako’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Ginigiba ako, hindi totoo ang mga akusasyon nila.”

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. matapos makasama ang pangalan sa mga mambabatas na umano’y nagamit ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa ilang pekeng Non Government Organizations (NGOs).

Hinala ni Revilla may halong pulitika ang nasabing isyu matapos mapaulat na may mga nagtutulak sa kanyang tumakbong presidente sa 2016. Hindi na rin umano siya nasorpresa sa panggigiba na ginagawa sa kanya sa ngalan ng pulitika.

“Noong nakaraang eleksyon nga ay sinugod at pinalibutan ng mahigit 120 armadong tauhan ng mga kalaban ko sa pulitika sa Cavite na kaalyado ng administrasyon ang bahay ko at nilagay pa sa panganib ang aking buhay at ng aking pamilya.  Sa pamamagitan ng pananakot, pilit nilang pasukin ang bahay ko, kahit wala silang dalang search warrant,” sabi ni Revilla.

Dahil nabigo umano noon ang mga nanggigipit sa kanya, kaya naghahanap ngayon ng ibang paraan para sirain ang senador.

Nakakagulat din umano na ang isang alegasyon pa lamang tungkol sa PDAF ay parang ginagawa  ng totoo sa mata ng publiko.

Tinawag pa ni Revilla na isang demolition job ang ginagawa ngayong pagkaladkad sa kanyang pangalan. Sinuportahan din ng senador ang ginagawang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.

 

vuukle comment

CAVITE

DAHIL

GINIGIBA

HINALA

NON GOVERNMENT ORGANIZATIONS

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REVILLA

REVILLA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with