^

Bansa

Publiko pinag-iingat vs washable hair chalks

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa masamang dulot sa kalusugan  at pagkakaroon ng allergies  na makukuha mula sa  paggamit ng washable hair chalks na ginagamit pangkulay sa buhok.

Batay sa FDA Advisory 2013-018, nangangamba si FDA acting Director Kenneth Hartigan-Go sa nauusong hair chalks dahil wala pang katiyakan na ligtas gamitin.

Ang mga hair chalks ay ipinagbibili sa internet at may taglay na dyes o colorants, chemical at mga preservatives.

Paalala ng FDA, ang mga nasabing sangkap ay maaaring maging sanhi ng allergies at adverse reaction sa anit, ulo, mata at balat ng sinumang gagamit.

Ayon sa FDA, ang hair chalking ay kinabibilangan nang pagkuskos ng piraso ng colored pastel chalk sa ilang hibla ng buhok upang baguhin ang kulay.

Pinayuhan ng FDA ang publiko na gamitin lamang ang mga cosmetic products na aprubado ng FDA upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga ito.

AYON

BATAY

DIRECTOR KENNETH HARTIGAN-GO

DRUGS ADMINISTRATION

FDA

HAIR

PAALALA

PINAG

PINAYUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with