Akusasyon sa Investwell pinalagan
MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng Investwell Resources Inc., (IRI) ang akusasyon sa kanila ng Yinlu Bicol Mining Corporation na wala silang permit to transport at environmental clearance sa kanilang mining operation.
Ayon kay Atty. Samuel Rufino J. Turgano, tagaÂpagsalita ng IRI, ang ‘upcoming shipment’ nila ng mineral ore ay covered ng existing at current Mineral Ore Export Permit at Ore Transport Permit na inisyu ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Turgano, kahit minsan ay hindi nasangkot sa ano mang illegal na operasyon ang IRI at hind sila naimÂbestigahan sa ano mang criminal at administrative offense na ipinagkakalat umano ng Yinlu.
Hinamon ni Turgano ang Yinlu na maglabas ng ebidensiya sa kanilang mga akusasyon sa pamamagitan ng titulo ng kaso, docket number at alin man korte sa bansa kung may kinakaharap silang reklamo at kaso.
Naniniwala ang abogado na isang ‘cheap propaganda’ ang akusasyon ng Yinlu para wasakin ang kanilang reputasyon sa industriya ng pagmimina sa bansa.
Ang isyu umano ng Mimaropa noong 2009 ay isang ‘dead issue’ at ang IRI ay walang kinalaman dito.
Umaapila ang IRI na itigil na ang ‘malicious practice’ at ‘false information’ laban sa kanila upang hindi na sumapit pa sa pagsasampa nila ng civil, criminal at administrative cases laban sa mga taong nasa likod ng mga paninira sa kanila.
- Latest