Pag-take over ng DOE sa industriya ng langis sa panahon ng emergency, ibinasura ng CA
MANILA, Philippines - Hindi maaaring i-take over pansamantala ng Department of Energy (DOE) ang opeÂrasyon ng industriya ng langis sa panahon ng emergency.
Ito ang isinasaad ng desisyong ipinalabas ng Court of Appeals (CA) kaugnay sa kaso ng Pilipinas Shell at ng gobyerno na may kinalaman sa price freeze sa langis na iniutos noon ni daÂting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasunod ng paghagupit ng Bagyong Ondoy at Pepeng taong 2009.
Sa 11-pahinang desisyon ng CA 9th Division, ibinasura nito ang apelang inihain ng gobyerno habang pinagtibay naman ang naunang ruling ng Makati Regional Trial Court na labag sa Konstitusyon ang Section 14 (e) ng Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.
Ayon sa CA, binibigyan ng nasabing probisyon ang DOE ng tinatawag na “unbridled power†na gumanap ng mga hakbang na tanging ang Kongreso lamang ang pinapayagan na gumanap sa ilalim ng Konstitusyon.
Tinukoy ng CA ang naunang naging desisÂyon ng Korte Suprema sa kaso ng David et al versus Arroyo na nagsasaad na pagganap sa emergency powers gaya ng pag-take over sa mga public utility na pribado ang pag-aari tulad ng industriya ng langis ay dapat na sang-ayunan ng Kongreso.
Dapat ay idineretso na rin umano ng Office of the Solicitor GeneÂral ang pag-apela sa Korte Suprema dahil ang sangkot sa kaso ay “pure question of law†pagkwestiyon sa ligalidad ng probisyon ng batas.
- Latest