15 overstaying detainees palalayain
MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Department of Interior and Local Government kina Supreme Court Chief JusÂÂ tice Ma. Lourdes SeÂreno at Justice Secretary Leila de Lima na palayain na ang 15 detainee na overstaying na sa kulungan.
Sa ginanap na Justice Sector Coordinating Council meeting sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas na iniutos niya ang pag-census sa lahat ng kulungan na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and PenoÂlogy sa buong bansa.
Doon aniya nadiskubre na 15 sa mga preso na hindi pa nahahatulan ay sobra-sobra na ang panahon na inilagi sa bilangguan kung masesentensyahan sa kanilang kaso.
Iginiit ni Roxas na bilang pagsasaalang-alang sa humanitarian reason at sa diwa ng katarungan ay dapat nang mapaÂkaÂwalan ang 15 detenido.
Inilapit naman ni RoÂxas kay Sereno ang sitwasyon at nangako ang huli na aaksyunan ang problema.
Â
- Latest