^

Bansa

Mga kontra sa drug test sa lisensiya sinopla ng Palasyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinupalpal kahapon ng Malacañang ang mga kumokontra sa pagpapatigil ng mandatory drug testing kahit pa sinasabing tataas ang bilang ng mga adik na driver.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, mas mahigpit ngayon ang ipinasang Anti-Drunk and Drugged Driving Act dahil maaring ilang beses na isailalim sa drug test ang mga ma­paghihinalaan na naka-droga o lasing habang nagmamaneho lalo na yong mga masasangkot sa aksidente.

Ipinahiwatig pa ni Valte na marami pa rin namang adik na nabibigyan ng lisensiya kahit pa sumailalim sila sa drug test tuwing kumukuha o magre-renew ng lisensiya dahil maaring mamanipula ang resulta nito. ‘Predictable’ o alam umano ng isang kukuha ng lisensiya kung kailan siya dapat mag-renew kaya puwede itong gumawa ng paraan para hindi magpositibo sa paggamit ng illegal substance.

Dahil sa bagong batas maari na umanong isai­lalim sa drug test ang mga drivers na makikitaan ng senyales na nakagamit ito ng ilegal na droga o kaya naman ay nagmamaneho ng lasing.

Naniniwala si Sen. Tito Sotto na hindi naging epek­tibo ang mandatory drug test tuwing kumukuha o nagre-renew ng lisensiya dahil lumabas na sa napakahabang panahon na ipinatupad ang batas halos 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo.

Sinabi rin ni Goerge San Mateo, pangulo ng Piston, naging napakala­king dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sinabi ni San Mateo na noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ang karaniwang drug tes­ting ay nasa P50 lamang. (Malou Escudero/Angie dela Cruz)

 

DEPUTY PRE

DRIVING ACT

DRUG

DRUGS ACT

GOERGE SAN MATEO

MALOU ESCUDERO

SAN MATEO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with