‘Fabian’ lumabas na
MANILA, Philippines - Tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Fabian. Kahapon ng umaga, si Fabian ay namataan sa layong 340 kilometro sa kanluran ng Laoag, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna. Patuloy itong kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras. Ngayong Sabado, si Fabian ay inaasahang nasa layong 500 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan. Bagamat lumabas na ang bagyong Emong at Fabian ay patuloy na magkakaroon ng mga pag-uulan sa malaÂking bahagi ng bansa dahil nahahatak ng kaulapan ang dalawang bagyo.Hindi pa rin pinapayagan ng PagAsa na maglayag ang maliliit na bangka sa mga karagatan dahil sa malalaking alon.
- Latest