Ban sa 15 Taiwan products dahil sa Melaic acid--Malacañang
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Palasyo na walang kinalaman sa sigalot sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas ukol sa pagkasawi ng Taiwanese fisherman ang ban sa mga Taiwanese food products.
Sinabi ni Usec. Abigail Valte, hindi ginagantihan ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagpapatupad ng ban sa 15 Taiwanese food products bagkus ay hindi ito pinahintulutang makapasok ng bansa dahil sa mayroong maleic acid ito na substance sa polyesters, plastic at paint.
Wika pa ni Valte, bahagi ng trabaho ng FDA na suriin ang mga pagkaing pumapasok sa bansa para sa kaligtasan ng consumers.
Sinabi ni FDA acting director Keneeth Hartigan-Go na kaya nila hindi pinayagang makapasok ng bansa ang 15 Taiwanese food products ay dahil hindi rehistrado ang mga ito sa kanilang ahensiya.
Ang mga food products na hindi pinayagang makapasok ng FDA ay ang Hong Tapioca Starch, Redman Black Tapioca Pearl, Sun Right Indica Rice Powder, Top 1 Tapioca Pearls, Tea World Tapioca Starch Ball, Unbranded Starch Ball, Ding Long Tapioca Pearls, Sun Chi Noodles, T & M Resources Corp Tapioca Pearls, Pure Tea Tapioca Pearls (White), Pure Tea Tapioca Pearls (Black), Full Free Green Tea Tapioca Ball, Full Free Yam Tapioca Ball, Long Kow Vegetarian Instant Rice Noodle, and Long Kow Rice Noodle with Thick Soup na natuklasang mayroong Maleic acid na hindi aprubadong additives ng FDA.
Iginiit ni Valte, walang kinalaman ito sa nangyaÂring sigalot sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas matapos mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel ang 65-anyos na Taiwanese fisherman na illegal na nangisda sa ating teritoryo.
- Latest