^

Bansa

Sotto nagbitiw rin!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang araw matapos magbitiw bilang lider ng Senado si dating Senate President Juan Ponce Enrile, nagpahayag din ng kagustuhan na magbitiw sa posisyon si Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Sa isang panayam bago magsimula ang ses­yon, sinabi ni Sotto na mag­bibitiw na rin siya bilang Senate Majority­ Leader bagaman at kaha­pon na ang huling araw ng sesyon ng 15th Congress.

Hindi naging pormal ang announcement ni Sotto ng kanyang resig­nation, pero ikinokonsi­dera nito na nagbitiw na siya sa posisyon ba­gaman at hanggang sa Hunyo 30 pa siya magtatagal sa posisyon.

Kabilang sa mga mahahalagang panukala na naka-kalendaryo sa hu­ling araw ng sesyon ang ratipikasyon ng extradition treaties sa pagitan ng Pilipinas at ng Spain, India at United Kingdom of Great Britain at Northern­ Island.

Pero hindi pa rin natuloy ang ratipikasyon dahil kinulang ang quorum ng mga senador.

Ayon kay Sotto, hindi masasabing “moot and academic” o wala na ring halaga ang kanyang pagbibitiw sa huling araw ng sesyon dahil tapos na ang trabaho ng mga senador sa 15th Congress.

Ang mga nag-iisip ani­ya na balewala ang kanyang pagbibitiw ay hindi nag-iisip ng kanilang trabaho.

Sinabi ni Sotto na kung walang halaga ang kanyang pagbibitiw sa po­sisyon dapat ay ginawa na niya ito kamakalawa ka­­sabay ng pagbibitiw ni Enrile pero mabibitin naman ang mga panukalang batas na naka-kalendaryo kahapon.

Bukod sa napagod na rin umano siya na pamunuan ang isang grupo na parang wala ng ganang pumasok at gawin ang kanilang trabaho.

Ipinagmalaki rin ni Sotto na sa hanay ng mga senador, kabilang siya sa iilan na hindi umabsent at hindi na-late sa sesyon.

Ikinonsidera rin umano ni Sotto ang kapakanan ng kanyang mga staff kaya tatagal pa hanggang sa Hunyo 30 ang kanyang pagiging Majority Floor Leader sa halip na hanggang sa Hulyo 22 kung kailan muling magbabalik ang mga senador at magsisimula naman ang ses­yon ng 16th Congress.

Sa sesyon kahapon, 14 na senador na lamang ang pumasok kabilang na ang tinatawag na “Macho bloc” na kinabibila­ngan nina Enrile, Estrada at acting Senate President Jinggoy Estrada.

Nagpaha­yag na rin ang grupo nina Sotto, Enrile at Estrada na ma­ging minorya sa pag­pasok ng 16th Congress.

 

ENRILE

HUNYO

MAJORITY FLOOR LEADER

SENATE MAJORITY

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER VICENTE

SENATE PRESIDENT JINGGOY ESTRADA

SHY

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with