^

Bansa

PCCI board makikipagtulungan

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 13 miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Marikina chapter ang makikipagtulu­ngan sa pamahalaang-lunsod ng Marikina para mabayaran ang P14 milyong balanse sa pangangasiwa sa ginanap ditong Christmas night bazaar noong nakaraang taon.

Kasabay nito, ni­linaw ng city legal office na nagsampa lang sila ng kasong sibil laban kina PCCI-Marikina President Eduardo Francisco at executive director nitong si Len Clarino at inurong ang kaso laban sa 13 miyembro ng board.

Ipinaliwanag ng board na ipinasya nilang makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon at makipag-ugnayan sa tanggapan ng alkalde.

Inihayag din ng mga board member ng chamber na nagbitiw silang lahat dahil nawalan na sila ng tiwala at kumpiyansa sa kanilang pangulo at hindi sila sang-ayon sa paninindigan nito sa pagsasaayos ng contractual obligation sa pamahalaan.

Ipinaliwanag naman ni  City legal officer Florella B. Almarez na inurong nila ang demanda laban sa PCCI board members dahil hindi sila kasama sa pumirma sa P22 milyong memorandum of agreement na itinakda ng pamahalaang-lunsod at ng PCCI-Marikina para sa operasyon ng bazaar noong Oktubre 2012.

Sinabi ni Almarez na pumasok sa naturang kasunduan sina Francisco at Clarino pero hindi sila nakapagbayad ng balanse rito na P14.1 milyon.

ALMAREZ

FLORELLA

INIHAYAG

IPINALIWANAG

KASABAY

LEN CLARINO

OKTUBRE

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY-MARIKINA

PRESIDENT EDUARDO FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with