^

Bansa

Siksikan sa public schools kaya... Libong HS students pinag-enrol sa HSP

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ni Act Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio ang umano’y puwersahang pagpapa-enroll ng libong high school students sa Department of Education’s Home Study Program (HSP) para mapaluwag ang sobrang daming public high schools sa mga urban areas.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng grupo, sinabi ni Tinio na pinili ng mga school officials ang mga estudyante na ilalagay sa Alternative Delivery Mode ng DepEd upang mabawasan ang sobrang dami ng bilang ng mga ito.

Giit ng mambabatas, discrimination ito sa mga estudyante at pinipigilan ang kanilang benepisyo para sa araw-araw na pagpasok sa classrooms.

Sa ilalim ng HSP, ang mga estudyante ay hindi na kailangang dumalo ng klase mula Lunes hanggang Biyernes at sa halip ay bibigyan ng mga modules na gagawin na lang sa bahay bago makipag-pulong sa guro, isang beses sa loob ng isang linggo para sa monitoring at testing.

Ang pangunahing intensiyon umano ng HSP ay para sa mga working students o yaong may special needs, na hindi posible ang araw-araw na pasok sa eskuwelahan.

Subalit  ayon kay Tinio, dapat gawing boluntaryo ang HSP ng mga estudyante at magulang.

Para masunod ang 1:55 teacher-student  ratio, ipinag-utos ng DepEd sa lahat ng principal na gamitin ang alternative delivery modes (ADMs) para sa mga sobrang bilang ng estudyante.

Sa tala ng DepEd, may­roong kakapusan ng nasa 32,844 classrooms sa pagbubukas ng eskuwela ngayong araw.

ACT TEACHERS PARTY-LIST REP

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

ANTONIO TINIO

BIYERNES

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOME STUDY

TINIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with