^

Bansa

DepEd kukuha ng 60,000 mga bagong guro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kukuha ng 60,000 mga bagong guro ang De­part­ment of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan sa mga pampublikong paaralan makaraang maaprubahan na ang pondo para sa pagpapasahod sa mga ito.

Iniulat ng DepEd ang pag-apruba ng Department of Budget and Ma­ nagement (DBM) sa dagdag na 61,510 teacher items para sa fiscal year 2013.  Ito ay upang mabawasan ang pagkukulang ng ahensya sa mga guro sa pampublikong elementarya at high school sa buong bansa.

Base sa DepEd Order no. 23 series of 2013, ang mga guro na mare-redeploy sa ibang lugar ay makakatanggap ng isang beses na “redeployment allowance” na P18,000.

Inatasan ni Education Sec. Armin Luistro ang mga school heads na may sobrang mga guro na lumikha ng imben­ taryo sa kanilang mga guro kabilang ang lebel ng tinuturuan at asignatura upang pagbasehan ng ku­walipikasyon.  Maaaring gumawa ang mga guro na nais ma-redeploy ng “letter of intent” sa ka­nilang mga “division su­perin­tendents”.

Samantala, iniulat naman ni Education Undersecretary Alberto Muyot, pinuno ng Elections Task Force, na malaki ngayon ang natipid ng pamahalaan hindi lamang sa pera maging sa oras ng mga guro na nagsilbi sa nakalipas na halalan dahil sa “automated election”.

 Bukod dito, hindi rin gaanong nahirapan ang mga guro at nabawasan ang karahasan at pe­ligro sa buhay ng kanilang mga guro. Naiulat naman na may limang gurong na­saktan na iniimbestigahan na ngayon ng DepEd kung may kaugnayan sa halalan.

Sa dating manu-ma­nong halalan, karaniwang umaabot ng higit tatlong araw ang pamamahala ng mga guro habang ang iba ay hindi na nagagawang makatulog at makapaligo man lamang pero ngayon ay mahigit sa isang araw lang ay tapos na ang ob­ligasyon ng mga guro sa nakalipas na midterm election.

ARMIN LUISTRO

BUKOD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MA

EDUCATION SEC

EDUCATION UNDERSECRETARY ALBERTO MUYOT

ELECTIONS TASK FORCE

GURO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with