^

Bansa

NFA namahagi ng bigas sa BASULTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namahagi ang National Food Authority (NFA) ng may 162,037 sako ng bigas sa mga residente ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi  (BASULTA)  bilang suporta sa mga nagsibalikang mga Pilipino mula sa Sabah Malaysia.

Ang naturang mga benepisyaryo ng bigas ay galing sa Sabah na umalis doon dahil sa nagdaang Sabah standoff.

Noong April 30,  nagpadala ang ahensiya ng  2,200 sako ng bigas sa pamamagitan ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga taga  Tawi-Tawi at Sulu.

Ayon sa NFA, normal na ang sitwasyon sa BASULTA laluna sa halaga ng presyo ng mga panguna­hing bilihin pero kailangan pa nilang tulungan ang mga residente upang unti-unting umangat ang kabuhayan.

AYON

BASILAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NOONG APRIL

SABAH

SABAH MALAYSIA

TAWI-TAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with