Brownout sa ilang lugar isolated lang -DOE
MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of EnerÂgy (DOE) na isolated case lamang ang naganap na brownount sa ilang lugar sa bansa habang ginaganap ang halalan.
Base sa ulat na natanggap ng DOE mula sa Manila Electric Company (MERALCO), dakong alas-8:00 ng umaga nang nawalan ng kuryente sa lungsod ng Taguig at agad naman umanong naibalik. Namonitor rin nila ang pagkawala ng kuryente sa Calamba sa Laguna.
Sinabi ni MERALCO spokesperson Dina Lomotan, nag-ugat ang problema sa pagkasira ng isang transformer box ng National Grid Corporation of the Philippines.
Nabatid sa DOE, nawalan din ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Batangas dakong alas-10 ng umaga, sa Lapu-Lapu City sa Cebu, nagkaroon ng power tripping sa Iligan City.
Unang hiniling ng DOE sa mga may-ari ng mga malls, pabrika at maging mga ordinaryong tahanan na ibayong magtipid sa kuryente sa araw ng halalan upang matiyak na may sapat na suplay ng kuryente at maiwasan ang brown-out.
Tinugon naman ito ng ilang mga malalaking shopping malls na labis na pinasalamatan ng DOE Election Power Task Force.
- Latest